Monday, December 1, 2014

Bubuhayin ko na muli ang aking blog.
Iikot sa kinakain ko ang aking blog.

Bakit tungkol sa kinakain ko?  Sabi nga nila you are what you eat.  At malaking bahagi nang
buhay ko ay depende sa mga kinakain ko.

Konting kwento tungkol sa aking kalusugan.
Sa ngayon, meron akong dalawang sakit.

1. Polycystic kidney disease (asymptomatic na sakit tungkol sa kidney) -pagtanda ko pa mararanasan ang lupit nang sakit na ito.  Ang nanay ko ay meron nito.  (autosomal dominant yung sakit, kaya namana ko sa kanya).

2. Chronic Eczema (atopic dermatitis) -- inflammation nang balat, buhat daw sa allergies, environment, stress at kung anu-ano pa.  Dahil dito, laging makati ang balat ko.  Namumula ako o kaya naman nangingitim.

Ang ikalawang sakit ko ay nakikita sa katawan.  Lubhang pumangit ako dahil dito.  Konting kain lang nang masamang pagkain (junk food, chocolate, sweets, fast food, pizza, litson manok, caffeine, etc), nagwawala na ang katawan ko (sobrang kati --> sobrang kamot  --> magsusugat --->  pangit na skin)

May ginawa na ako dati para maayos ang balat ko.  Nagpunta na ako sa dermatologist (duktor sa balat).  Subalit pare-pareho lang ang sinasabi nila at ang reseta (steroid creams tulad nang betamethasone, clobetasol, hydrocortisone, triamcinolome, etc.).  Minsan nga may nagreseta rin nang oral steroids (prednisone, prednisolone).  Bumuti naman ang balat ko pansamantala, pero matapos ang ilang linggo, balik na naman sa dati.  Naging dependent rin ako sa steroids nang ilang taon (2 years).  Ang masama nito, may masamang side effect ang steroids, iyon ay ang compromised na immune system (nagkaroon ako nang maraming pigsa.  Nagkaroon din ako nang systemic infection),  tumaba rin ako na parang namamanas ang mukha ko (edema).

Sa ngayon, wala na akong ginagamit na steroids.  At dahil hindi ko na plano pang gumamit nang steroids, kailangan kong baguhin ang diet ko.

So ngayong december 1, 2014.  Magsisimula muli ako.  Ang plano kong gawin ay ang raw till 4 pm na diet (raw == salads, fruits, natural juice), tapos vegetarian meal sa gabi.

Ngayong December 1, 2014.  Eto ang mga kinain ko.

1. Water fast till dinner.
2. Dinner -- ginisang repolyo, white rice, falafel, papayas.

Sana matuloy-tuloy ko lang ito, para umayos na ang balat ko.


Migel X




Friday, September 26, 2008

Malaking Example

Ang galing talaga ng Physics 114, nagkaroon ako ng bagong pananaw sa Physics.

Tingin ko tuloy halos lahat ng bagay sa Physics ay isang malaking example ng Hilbert Space Theory.

Cooool.

Dahil sa Physics 114, mas naapreciate ko ang Physics 142 (Q. Mechanics) at Physics 165 (Optics)

Yung sa QM, ang ganda ng application lalo na sa canonical commutation at orthonormal bases.

Yung sa Optics, ang galing noong sa Jones at Mueller Matrices. Tiningnan ko na yung Trace at Determinant agad noong Jones matrix. As in, may physical significance yung mga simpleng konsepto ng math sa physics.

Mas mahal ko tuloy yung kurso ko, dahil sa 'deeper understanding' na ibinahagi ni Dr. Galapon sa amin.

P.I. 100

Mag-bablog na rin ako.
Nakikiuso lamang ako sa mga taong nagbablog din. Ewan ko ba kung bakit English ang blog ng mga tao sa Pilipinas e Pilipino naman ang nagbabasa nito at grabe ang lalim ng English ng mga tao, may mga quote pang nalalaman hahah. Wait lang, Internet nga pala ito kaya dapat marketable ang blog mo sa buong mundo. E sino nga ba ang magbabasa na Danish, Swedish o American ang makakaintindi nito. Wahhh, ang labo ko.

Isa sa dahilan kung bakit masaya ang semester ko ay dahil sa P.I. 100 ko. As in, ang galing ng Prof. namin na si Leoncio Co. Masasabing kong magaling ang isang prof., kapag napilit niya akong magbasa o alamin ang mga bagay-bagay na wala na sa scope ng kanyang kurso. Bukod pa dyan, may mga life lessons din akong napulot buhat sa mga diskusyon sa klase.

1. Unguarded Moments -- Nabanggit ng Prof namin na mahalagang tingnan si Rizal sa kanyang mga unguarded moments dahil iyon ang nagpapakita ng totoo niyang saloobin sa mga bagay-bagay. Halimbawa na lamang ay ang pagtingin sa mga liham niya, talumpati at pag-uusap sa mga tao ng walang sumusubaybay na ibang tao. (Liham kay Blumentritt, Mi Ultimo Adios, Talumpati kina Hidalgo at Luna, etc. )

Realization: Kapag may nasabing biglaan ang isang tao, malamang totoong saloobin niya iyon. Huwag i-take na joke ito, kahit na sabihin niyang "joke lang po". Pero makingiti ka na lang and "take a mental note of the comment", maki-ride ka na lang sa kanya at siguro gawan ng paraan kung medyo di maganda ang nasabi niya.

2. References -- Naku napakahalaga nito, naalala ko tuloy ang Physics Prof ko na si Sir Sarmago na kapag walang references ang prof mo, mag change mat ka na agad. Mahalagang tingnan ang references at i-check ito sa pag-aaral kay Rizal. Naalala ko tuloy yung essay ni Renato Constantino kay Rizal na "Veneration without Understanding", grabe lang ang realization ko noong kinumpara ko kay Schumacher na Essay. (Basahin niyo na lang). Pwede pa lang may baguhin lang ng konti sa reference at iba na ang conclusion mo. At nakakatuwa na maraming naloko na tao si Constantino. (muntikan na nga rin ako, buti na lang pinatnubayan kami ni sir na makita ito). Akala ko sa showbiz lang yung "Quoting out of context", pati pala sa kasaysayan ginagawa iyon.

Ayon, naisip ko na kung sa sciences ay may peer-review ng mga journals na pinapublish, sana sa history mayroon din. Kasi sa science, as in, pati references tinitingnan para pulido talaga ang mga resulta noong scientific work. Mukhang sa Kasaysayan Dept., wala pang ganitong tradisyon kaya nakakalusot iyong mga ganitong insidente. (Ang lakas ng loob kong magcomment; e bakit ba? blog ko to hehehe).

Realization: Huwag maniwala basta-basta at maging 'vigilant'.

3. Questions: Inuudyok kami ng prof namin na magtanong. E ako, bilang mag-aaral ay nagtatanong lang kapag di ko talaga alam ang mga bagay-bagay. (Nga pala, pag bad mood ako sa school, nagtatanong din ako ng todo at mas nakikinig sa klase; Kapag ganoon kasi, naiinis din yung prof. at mga kaklase ko kaya nadamay ko na sila sa bad mood ko. (hehehe)) Kapag nagtatanong kasi, malay mo makatsamba na tama ang tanong mo at may makuha kang makabuluhang kasagutan.

Realization: Dapat may alam ka kung itatanong ka. Kasi kung wala kang kaalam-alam, anu yung basehan mo para kwestiyunin ang mga pinagsasabi ng tao sa harapan mo. (example: sa Physics, paano matatanong yung prof ukol sa ganyang equation kung wala kang ideya sa math behind that equation).

Ayun yung mga life lessons na natutunan ko sa prof. co.

Pero yung mga kwento niya, priceless talaga?
Ang dami kong nalaman.

Pero, nalungkot lang ako sa nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas, nakakaiyak at nakakahiya iyon at ngayon ko lang ito mas napag-iisipan. Ito yung nararamdaman ko ngayong matatapos na ang P.I. 100 sem ko.

Kunin niyo si Leoncio Co ha.
Matanda na siya at sana mas tumanda pa siya para mas makapilit pa siya ng mga bata na muling basahin si Rizal at tingnan ang Pilipinas, ang ating bansa, sa ibang anyo