Bubuhayin ko na muli ang aking blog.
Iikot sa kinakain ko ang aking blog.
Bakit tungkol sa kinakain ko? Sabi nga nila you are what you eat. At malaking bahagi nang
buhay ko ay depende sa mga kinakain ko.
Konting kwento tungkol sa aking kalusugan.
Sa ngayon, meron akong dalawang sakit.
1. Polycystic kidney disease (asymptomatic na sakit tungkol sa kidney) -pagtanda ko pa mararanasan ang lupit nang sakit na ito. Ang nanay ko ay meron nito. (autosomal dominant yung sakit, kaya namana ko sa kanya).
2. Chronic Eczema (atopic dermatitis) -- inflammation nang balat, buhat daw sa allergies, environment, stress at kung anu-ano pa. Dahil dito, laging makati ang balat ko. Namumula ako o kaya naman nangingitim.
Ang ikalawang sakit ko ay nakikita sa katawan. Lubhang pumangit ako dahil dito. Konting kain lang nang masamang pagkain (junk food, chocolate, sweets, fast food, pizza, litson manok, caffeine, etc), nagwawala na ang katawan ko (sobrang kati --> sobrang kamot --> magsusugat ---> pangit na skin)
May ginawa na ako dati para maayos ang balat ko. Nagpunta na ako sa dermatologist (duktor sa balat). Subalit pare-pareho lang ang sinasabi nila at ang reseta (steroid creams tulad nang betamethasone, clobetasol, hydrocortisone, triamcinolome, etc.). Minsan nga may nagreseta rin nang oral steroids (prednisone, prednisolone). Bumuti naman ang balat ko pansamantala, pero matapos ang ilang linggo, balik na naman sa dati. Naging dependent rin ako sa steroids nang ilang taon (2 years). Ang masama nito, may masamang side effect ang steroids, iyon ay ang compromised na immune system (nagkaroon ako nang maraming pigsa. Nagkaroon din ako nang systemic infection), tumaba rin ako na parang namamanas ang mukha ko (edema).
Sa ngayon, wala na akong ginagamit na steroids. At dahil hindi ko na plano pang gumamit nang steroids, kailangan kong baguhin ang diet ko.
So ngayong december 1, 2014. Magsisimula muli ako. Ang plano kong gawin ay ang raw till 4 pm na diet (raw == salads, fruits, natural juice), tapos vegetarian meal sa gabi.
Ngayong December 1, 2014. Eto ang mga kinain ko.
1. Water fast till dinner.
2. Dinner -- ginisang repolyo, white rice, falafel, papayas.
Sana matuloy-tuloy ko lang ito, para umayos na ang balat ko.
Migel X
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment